"Pasko! Puno ng inspirasyon"
O holy night
The stars are brightly shining
It is the night of the dear savior's birth
Long lay the world in sin and error pining
Till the appear'd and the soul felts its worth
A thrill of hope the weary soul rejoices
For yonder breaks a new and glorious morn!
Ang kantang ito ay nagpapahiwatig na dapat natin respituhin sa isa't isa at bigyan din natin ng sapat na loob sa tulong ng pagmamahalan upang matiyak na maging inspirasyon tayo sa kanila.
"Pagbibigayan,kasiyahan,kulitan,at pagmamahal." Yan ang pasko! Puno na punong inspirasyon sa ating lahat.
Pasko doon,pasko dito,pasko ng buong kasaganahan at punong-punong tradisyon sa ating bansa at kaugaliang katangi-tanging Pilipino. Ang bansang Pilipinas natin ay namumukod tanging bansa sa asya na may mga pinakamaraming bilang ng kristiyano, ginugunita ng mga Pilipino ang kapanganakan ni Hesuskristo noong ika- 25 ng Disyembre.
Ano nga ba ang halaga ng pasko sa atin? Bakit ito ipinigdiriwang?
Tayong mga Pilipino,ang pasko ay mahalaga dahil dito natin makakatanggap ng mga regalo at sabik na sabik natin makita muli ang ating pinakamahal sa buhay na nang galing sa mga iba't ibang lugar. Tayo din ay naghahanda at nagsasabit na makita ang mga iba't ibang disenyo sa kapaskuhan. Nararamdaman talaga natin ang hilig tuwing pasko dahil sa mga makukulay,magaganda at mga malalaking parol na nakasabit sa mga daan, Christmas Light na nakasabit sa mga barangay,iba't ibang Christmas Tree na nakalagay sa bawat tahanan at mga batang laging bumisita sa bawat bahay at kumakanta ng mga iba't ibang awitin tungkol sa pasko.
Kapag papalapit na ang pasko,tayo ay naghahanda at makumpleto ang simbang gabi o misa de gallo at ang hudyat sa pagsisimula ng misa ay pagtunog ng kampana sa kampanaryo. Pagtipon tipon ang lahat ng mga tao sa simbahan upang magdasal. May mga kasabihan din nga kapag makumpleto mo ang simbang gabi o misa de gallo ay tiyak isa sa kahilingan mo ay matutupad.
Ang ating isipin na lamang ngayong pasko,sa kabila ng kasiyahan na binibigay linaw ng pasko dahil sa mga regalong natanggap. Hindi ito tunay na mensahe ang gusto nating iparating sa salitang "Pasko". Ang tunay na kahulagan ng pasko ay ang pagmamahalan ng bawat pamilya kahit sinuman, kilala ba natin o hindi,mahirap mn o mayaman,dapat nating bigyan ng sapat na pagmamahal at maging inspirasyon tayo sa kanila upang mabuo ang kapaskuhan na ating ipinagdiriwang. Pasko din ay ang oras ng pasasalamat sa lahat ng biyayang natanggap at sa ating diyos. Sana ngayong pasko ay iiral natin matuklasan ang makaakibat na kahulugan nito sa bawat puso sa mamamayang Pilipino
Merry Christmas and Happy New Year nating lahat!!

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento